2 pang LGUs, nagpahayag ng interes na magpatayo ng housing projects

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dalawa pang local government units (LGUs) ang nagpahayag ng kanilang suporta sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing Program.

Nakipagpulong na sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), si Balete Batangas Mayor Wilson Maralit at Ilagan, Isabela Mayor Jose Mariel Diaz.

Isang Memorandum of Agreement (MOA) ang nilagdaan ng DHSUD at ng dalawang LGU kasama ang kanilang partner-developers para sa housing projects.

Sa ilalim ng MOA, ang LGUs ang tutukoy ng kanilang benepisyaryo at mamamahala sa proyekto habang ang developer at contractor ang magkakaloob at magde-develop ng lupa, at magtatayo ng housing units. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us