Nagpaalala ang Lokal na Pamahalaan ng Navotas sa mga residente nito na paghandaan ang posibleng rotational water interruption.
Ayon sa abiso, nagbabala ang Maynilad na posibleng makaranas ng rotational water interruption sa lungsod sa Hulyo.
Ito ay kasunod ng pahayag ng National Water Resources Board (NWRB) na magbabawas ito ng alokasyon ng tubig sa mga water concessionaire nito sa Metro Manila.
Bahagi rin ito ng hakbang ng pamahalaan na paghandaan ang epekto ng El Niño sa bansa.
Inaasahan naman na mararamdaman ang epekto ng El Niño simula June o July hanggang sa unang quarter ng 2024. | ulat ni Diane Lear