Marikina LGU, nagsagawa ng ‘bike tour’ sa sport facilities ng lungsod para sa nalalapit ng Palarong Pambansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Upang makita ang mga pasilidad na gagamitin sa nalalapit na Palarong Pambansa na gaganapin sa buwan ng Hulyo, nagsagawa ng ‘bike tour’ ang Marikina LGU upang maikot ang mga sports facility na gagamitin sa taunang sports event ng Department of Education.

Nilahukan ang naturang bike tour ng ilang kawani at mga piling tagapamahala ng mga tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina at Department of Education-Marikina, at bike enthusiasts.

Mula sa Marikina Freedom Park, tinahak ng mga kalahok ang piling kakalsadahan sa mga barangay ng Sta. Elena, Sto. Niño, Concepcion Uno, Marikina Heights, Parang, at Fortune.

Ang Palarong Pambansa 2023 ay bubuksan sa Hulyo 31, 2023 sa Lungsod ng Marikina. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

📷: Marikina PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us