Dinipensahan ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman si Tourism Secretary Christina Frasco, matapos punahin ng kapwa Albay solon na si Rep. Joey Salceda ang hindi pagkakasama ng Mayon Volcano sa tourism video campaign ng ahensya.
Ayon kay Lagman, sangayon siya sa pahayag ni Frasco na premature ang pagbibigay kritisismo sa ad campaign lalo at sinisimulan pa lamang nila ang pagpapakilala sa ibat ibat tourism attraction sa bansa.
“I fully agree with your [Sec. Frasco] observation that his [Rep. Joey Salceda] criticism is obviously premature as the fresh tourism initiatives of DOT under your leadership are still in the process of unfolding and would equally promote all Philippine tourist attractions and destinations.” — Lagman
Ang pinakamagandang tugon naman aniya sa pahayag ni Salceda ay ang paglalaan ng potable water supply sa Mayon Tourism Complex at Mayon Skyline Hotel, na dati ay Mayon Rest House.
Kasama rin aniya sana sa maaksyunan ng Tourism department ang pagsasaayos at maintenance ng Mayon Park Road patungo sa tourism complex.
Pagtitiyak pa ni Lagman, na suportado niya ang hakbang ni Frasco para sa pagpapasigla ng turismo ng bansa.
“I am fully supportive of your reinvigorated program to best promote and sustain Philippine tourism.” sabi pa ni Lagman. | ulat ni Kathleen Forbes