Higit P111M na ayuda, naipamahagi na ng pamahalaan sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umakyat na sa P111 milyong halaga ng ayuda ang naipamahagi ng national at local government para sa mga nagsilikas dahil sa pag-aalburoto ng bulkang Mayon.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Office of Civil Defense (OCD) Deputy Spokesperson Diego Mariano na kabilang na dito ang hygiene kits, family kits, pagkain, at iba pang non-food items.

Sa kasalukuyan, nasa 5,300 na ang bilang ng mga pamilyang nananatili sa evacuation center sa lugar.

Pagsisiguro nito, sapat ang basic needs na ipinaaabot ng pamahalaan sa mga residenteng nagsilikas, dahil sa pag-aalburoto nito.

“Sapat pa po itong natatanggap nila. Kumbaga, patuloy pa po iyong ating pag-aabot ng ating mga basic needs na kinakailangan po nila ‘no. So kasama po diyan iyong pagkain, mga hygiene kits, mga family kits na kinakailangan po nila sa kanilang panunuluyan sa mga evacuation centers.” —Mariano. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us