Sisimulan na bukas, Hulyo 2 ng Department of Social and Development (DSWD) ang second wave distribution ng family food packs sa lalawigan ng Albay.
May direktiba na si DSWD Secretary Rex Gatchalian, sa DSWD Bicol Regional Office na hatiran ng food packs ang mga local government units para sa kanilang constituents.
May kabuuang 28,810 FFPs ang inilabas ng Field Office para sa 15 araw na supply ng pagkain para sa iba’t ibang evacuation centers sa buong lalawigan.
Una nang iniutos ng kalihim noong Biyernes sa
Disaster Response Management Group na dagdagan ang suplay ng family food packs sa mga DSWD warehouses sa Bicol Region.
Nais ng kalihim na dagdagan ang suplay na pagkain sa mga LGUs na sapat para sa 15 araw mula Hulyo 2 hanggang 17.| ulat ni Rey Ferrer