Lalaki, nasawi matapos tamaan ng kidlat sa Rizal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaghihinalaang nasawi matapos na tamaan ng kidlat ang isang lalaki sa Tanay, Rizal.

Ito’y matapos na ideklarang ‘dead on arrival’ sa ospital ang biktima na natagpuang walang malay sa madamong bahagi ng loteng kanyang pag-aari sa Bgy. Sampaloc.

Sa ulat ng Tanay Municipal Police Station na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Manolito Ramirez Monje Sr.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nagtungo sa lugar noong Sabado ang biktima, kung saan nanatili siyang mag-isa hanggang abutan ng malakas na ulan at kidlat kahapon hanggang kagabi.

Isasailalim sa autopsiya ang bangkay ng biktima upang kumpirmahin kung ang sugat na tinamo nito ay dahil sa “lightning burn”.

Ito’y dahil sa report ni Dr. Mukramel Hadjula ng Army Station Hospital sa Camp Capinpin na posible umanong cardiac arrest secondary to electric burn ang ikinamatay ng biktima. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us