QC LGU, tumanggap ng bagong biodigesters at food waste-on-wheels

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa layong maitaguyod ang inisyatibo sa circular economy ay nakipag-partner ang Quezon City government sa United Nations Development Programme (UNDP) at Japanese government para sa pagde-deploy ng biodigesters, at food waste-on-wheels sa lungsod.

Sa pamamagitan ng ACE Project ng UNDP, nakatanggap ang QC LGU ng bagong six-wheeler truck na mangongolekta ng biodegradable waste mula sa mga komunidad, at 25 biodigesters na ilalagay naman sa mga urban farms at barangays.

Sa tulong ng biodigesters, maaaring gawing biogas ang mga organic waste gaya ng food scraps. Ang biogas na ito ay pwedeng gamitin bilang panluro o kaya ay soil conditioner sa nga pananim.

Nagpasalamat naman si Mayor Joy Belmonte sa tulong na ito ng UNDP at Japanese government para mabawasan ang itinatapong basura sa lungsod at mapakinabangan pa ito ng komunidad.

“We are truly grateful to the UNDP and the Japanese government for providing the city with the Community to Farm Mobile Organic Waste Recovery System. This will surely help us meet our 50 percent waste diversion target as we gear towards a climate-resilient and low-carbon future,” ani Mayor Joy Belmonte.

Sa panig naman ng pamahalaang lungsod, tuloy-tuloy na rin ang iba’t ibang circular economy strategies nito at pagtutulak ng kampanyang Prevent, Reduce, Recycle, at Recover. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us