Parañaque LGU, nakatakda muling ilunsad ang SPES program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang muling ilunsad ng lokal na pamahalaan ng Parañaque ang Special Program for Employment of Students o SPES para sa taong 2023 sa darating na Miyerkules, Hulyo 5.

Gagawin ang nasabing launch sa ganap na ika-8:00 ng umaga sa Old San Dionisio Gym sa Barangay San Dionisio sa pamamagitan ng inisyatibo ng Department of Labor and Employment (DOLE) katuwang ang Public Employment Services Office ng lungsod ng Parañaque.

Ang SPES ay isang special program na naglalayong mabigyan ng pansamantalang trabaho ang mga estudyante upang makatulong sa mga gastusin sa kanilang pag-aaral.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas sa PESO Manager ng Paranaque na si G. Henry Leonardo, isasagawa rin sa araw ng launch ang orientation ng 500 benepisyaryo ng naturang programa na nakatakdang i-deploy sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang lungsod.

₱570 kada araw ang matatanggap na sahod ng mga benepisyaryo at kinakailangan nilang makapag-duty sa loob ng 30 working days o anim na linggo at isang taong silang covered ng insurance mula sa Government Service Insurance System (GSIS). | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us