Tulong para sa mga nasunugan sa Valenzuela, tiniyak ng alkalde ng lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Pamahaalang Lungsod ng Valenzuela na makakatanggap ng tulong ang mga pamilyang nasunugan sa Pinalagad, Brgy. Malinta.

Ito ang siniguro ni Mayor Wes Gatchalian na,ng magsagawa ng inspection sa lugar ng sunog, kaninang umaga.

May 10 pamilya o katumbas ng 40 indibidwal ang apektado ng sunog na naapula ganap na alas 10:54 ng umaga.

Inatasan na ng alkalde ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) na magkaloob ng relief goods sa mga fire victim.

Pansamantalang nanunuluyan ang mga evacuee sa Malinta 3S Center habang wala pa silang matitirhan sa kasalukuyan. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us