CSC, nag-alok ng training para sa HR practitioners ngayong Hulyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinimok ng Civil Service Commission (CSC) ang mga lider, managers, at human resource practitioners na lumahok sa serye ng Comprehensive Learning and Development (L&D) Programs ngayong buwan ng Hulyo.

Ayon kay CSC Chairperson Karlo Nograles, ang nasabing programa para sa HR practitioners ay alok ng Civil Service Institute (CSI), ang training at development arm ng komisyon.

Aniya, mahalaga umano na magkaroon sila ng kasanayan sa teknikal para maging epektibong katuwang sa pagbuo ng isang propesyonal at karampatang burukrasya.

Lahat ng participants na makakumpleto sa lahat ng course requirements ay makakatanggap ng certificate of completion, pagkilala sa kanilang accomplishment at pagbibigay sa kanila ng 16 na leadership at managerial training hours.

Para sa mga interesado, maaari silang kumuha ng detalyadong impormasyon ng mga programa at registration procedures sa comprehensive Learning and Development Calendar na makikita sa website ng CSI sa http://csi.csc.gov.
ph/.

Para naman sa training programs sa CSC Regional Offices, makipag ugnayan lamang sila sa pinakamalapit na CSO Regional Office para sa kumpletong listahan ng available courses at schedules.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us