228 Pinoy care workers kasama ang 15 Pinoy Nurses dumating na sa Japan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dumating na sa Japan ang ika-15 batch ng Filipino Candidates for Nurse and Certified Careworker sa ilalim ng Economic Partnership Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Mula sa kabuuang 228 na mga kandidato, 15 rito ay mga Nurse habang 213 dito ay pawang Pinoy Careworker na kinuha sa pamamagitan ng Government-to-Government Arrangement.

Batay sa pahayag mula sa Embahada ng Japan sa Pilipinas, nasa ilalim ito ng kasunduan ng Japan International Cooperation of Welfare Services at ng Department of Migrant Workers (DMW).

Sasailalim sa masinsinang pagsasanay sa wikang hapon ang mga Pilipino sa suporta ng ARC Academy ng Japan sa loob ng 6 na buwan.

Inaasahang magsisimula sila ng kanilang trabaho sa mga ospital at mga caregiving facilities.

Ayon sa Japanese Embassy mula 2009, nagtalaga ang programang ito ng mahigit sa 3,600 Filipino Nurse at Certified Careworker Candidates sa Japan.| ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us