Malalim na pundasyon ng ugnayan ng Pilipinas at US, binigyang diin ni Pangulong Marcos Jr. ngayong PH-American Friendship Day

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang malalim na ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos, kasabay ng pagdiriwang ng Philippine-American Friendship Day ngayon araw, ika-4 ng Hulyo.

Sa maikling mensahe ng pangulo, hinikayat nito ang kapwa mamamayan ng US at Pilipinas na manatiling nakatindig ng magkasama, kasabay ng pagkilala sa demokrasya, kalayaan, at pagkakapantay-pantay na umiiral sa kapwa bansa.

“On this joyous occasion of Philippine-American Friendship Day, we commemorate the deep connection between our nations, built on the foundation of trust and collaboration.” — Pangulong Marcos Jr.

Kasabay na rin aniya ng paghulma pa ng daan tungo sa mas mayabong na hinaharap para sa lahat, kung saan walang maiiwan.

Pagbibigay diin ng Pangulo, sa tiwala at kolaborasyon nagmula ang malalim na koneksyon ng Pilipinas at Amerika.

“As allies, let us continue to stand together, embracing the values of democracy, freedom, and equality, forging a path towards a more prosperous and inclusive future for all.” — Pangulong Marcos | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us