Mga miyembro ng media at kanilang pamilya na tinulungan ng DSWD, aabot na sa higit 1,000

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot na sa 1,025 mamamahayag at kanilang pamilya na nasa crisis situation ang natulungan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa unang taon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa ilalim ng DSWD Media Welfare Project, binigyan sila ng libreng pagpapa-ospital, gamot, at iba pang  tulong.

Nangako si DSWD Secretary Rex Gatchalian, na ipagpapatuloy ang programa para sa mga itinuturing na katuwang ng gobyerno sa nation building, at sa pagtataguyod ng kapakanan ng mamamayan.

Sa ulat ni DSWD Undersecretary for Innovations at Head ng Media Welfare Project Edu Punay, ang pagtulong sa mga mamamahayag ay sinimulan noong Hulyo 2022.

Aabot na sa kabuuang P26.3 milyong halaga ng iba’t ibang porma ng tulong ang naipamigay na ng DSWD sa mga benepisyaryo.

Para sa mga namatay na journalists at media practitioners, ang kanilang mga anak ay pinagkalooban ng educational assistance.

Una nang lumagda sa isang Memorandum of Agreement ang DSWD at ilang major media organizations, kabilang ang National Press Club, Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas, National Union of Journalists of the Philippines para sa proyekto. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us