Pagtaas ng aktibidad sa Bulkang Mayon, nagpapatuloy – PHIVOLCS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mula alas 3:47 kahapon ng hapon, patuloy pa ang naitatalang mahihinang volcanic earthquake sa Mayon Volcano sa Albay.

Sa abiso ng PHIVOLCS, nanatili at lumakas pa ang mga pagyanig kaninang umaga at nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan.

Tumatagal ang mga kaganapang ito ng humigit-kumulang 11 segundo at umuulit sa pagitan ng 5 segundo.

Ayon sa PHIVOLCS, resulta ito sa biglaan at patuloy na pagtaas sa antas ng paglabas ng seismic energy simula noong 03 Hulyo 2023.

Patuloy din ang pagdaloy ng lava pababa ng Basud, Mi-isi at Bunga gullies. Ito’y dahil sa dome-collapse pyroclastic density currents mula sa summit lava dome at rockfall activity.

Bumabagsak naman ang bakas ng ashfall mula sa mga PDC sa bayan ng Guinobatan at lungsod ng Ligao.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us