Pilipinas, nominado sa 22nd Annual Wanderlust Reader Travel Awards

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinihikayat ng Department of Tourism (DOT) ang publiko na iboto ang Pilipinas at ilang tourist destination ng bansa, para sa 22nd Wanderlust Reader Travel Awards ng Wanderlust Travel Magazine ng United Kingdom.

Nominado ang bansa sa tatlong major categories, gaya ng Pilipinas para sa Most Desirable Country; Cebu para sa Most Desirable Region; at Palawan para sa Most Desirable Island.

Hinimok rin ng DOT ang publiko, na iboto ang Pilipinas bilang Most Desirable Country para sa mga kategorya ng: Adventure, Nature and Wildlife, Culture and Heritage, Gastronomy, at Sustainable Tourism.

Iaanunsyo ang mga nagwagi sa darating na ika-7 ng Nobyembre na gaganapin sa British Museum. | ulat ni Gab Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us