CleanFuel, magpapatupad ng rollback sa kanilang Auto LPG bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-anunsyo ang kumpaniyang CleanFuel na magpapatupad sila ng rollback sa kanilang Auto Liquified Petroleum Gas (LPG).

Php 1.50 ang ipatutupad na bawas-presyo sa kada litro ng kanilang Auto LPG.

Epektibo alas-12:01 ng hatinggabi bukas, araw ng Miyerkules ang rollback ng nasabing kumpaniya.

Una nang nagpatupad ng Php 3.70 na rollback sa kada kilo ng kanilang LPG ang mga kumpaniyang Phoenix, Solane at Petron.

Habang nasa Php 2.70 naman ang rollback ng Phoenix at Petron sa kada litro ng kanilang Auto LPG.| ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us