Muntinlupa LGU, nagpatupad ng reporma sa pamamahala ng OsMun

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hiniling ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon ang suporta ng kanilang mga mamamayan para sa repormang kanilang ginagawa sa Ospital ng Muntinlupa (OsMun).

Ito ang inihayag ni Mayor Biazon makaraang lagdaan nito ang City Ordinance 2023-083 na naglalatag ng reporma para sa management ng OsMun.

Paliwanag ni Mayor Biazon, kailangang mai-streamline ang management ng OsMun upang maging epektibo at episyente ito sa paghahatid ng kanilang serbisyo.

Sa ilalim ng ordinansa, magtatatag na ng Board of Directors ang OsMun na binubuo ng mga eksperto buhat sa iba’t ibang larangan at siyang mamamahala sa ospital.

Una nang inayos ng Pamahalaang Lungsod ang mga pasilidad ng nasabing ospital kaya’t nakatuon na ngayon ani Biazon ang kanilang pansin sa pamamahala nito sa ilalim ng kaniyang administrasyon.| via Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us