Pribado at pampublikong paaralan sa Jolo, nagkaisa sa pagpapatupad ng reading camp ngayon summer

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tutulungan ng Notre Dame of Jolo College (NDJC) ang ilan sa mga mag-aaral sa Asturias Elementary School, Jolo III District sa pamamagitan ng pagpapatupad ng summer reading camp na sisimulan sa ika-12 ng Hulyo ng taong kasalukuyan.

Ayon kay Baby Taradji-Adjuli, Teacher In-Charge ng naturang paaralan, nasa 53 mag-aaral ng grade 3 ang isasailalim sa naturang program na tuturuuan sa pagbabasa tuwing araw ng Miyerkules mula ala 1:00 hanggang 3:30 ng hapon na tatagal hanggang sa pasukan.

Ito aniya base sa programa ng NDJC sa mga piling pampublikong paaralan sa Jolo, Sulu na layon maturuan ang mga bata na hindi makabasa o mahina magbasa upang sila ay hindi mapag-iwanan sa kanilang pag-aaral.

Liban dito, dagdag pa ni Adjuli, mayroon din silang isinasagawang remedial classes tuwing weekdays matapos ang klase ng mga bata sa ilalim naman ng Bawat Bata sa Bangsamoro Bumabasa at Bumibilang (5Bs) program ng Ministry of Basic Higher and Technical Education.

Sa loob aniya ng may 250 mag-aaral mula grade 1 hanggang 5, may mahigit 100 ang halos hindi makabasa at matapos isailalim sa 5Bs naging 40 na lamang ang natira na patuloy na tinututukan hangga’t sa tuluyan nang matutong magbasa.| ulat ni Fatma Jinno| RP1 Jolo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us