Nasa 316 titulo ng lupa ang iginawad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga benepisyaryo sa Cagayan Valley.
Bahagi ito ng selebrasyon ng Philippine Environment Month na may temang “Whole of Society for Climate Resiliency.”
Ang “handog titulo” ay ipinamahagi sa ginanap na serye ng caravan cum people’s day sa Lalawigan ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya at Cagayan.
Ipinagkaloob ng DENR sa patentees ang sketch plan ng kanilang titled properties ng libre.
Kasabay nito, nilagdaan din ng DENR ang isang Memorandum of Agreement sa Isabela State University bilang suporta sa National Greening Program ng departamento.
Kinilala din ang mga uniformed personnel, dahil sa kanilang suporta at kontribusyon sa pagpapatupad ng mga batas pangkalikasan. | ulat ni Rey Ferrer