460 dayuhang naligtas sa ni-raid na POGO, isinailalim sa biometric processing

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahan ng Philippine National Police (PNP) na mapapabilis ang pagdokumento sa mga dayuhang naligtas sa ni-raid na POGO (Philippine Offshore Gaming Operator) sa Las Piñas, sa pagdating sa site ng team mula sa Bureau of Immigration para magsagawa ng biometric processing.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brigadier General Red Maranan, 460 na mula sa  1,239 dayuhang empleado ng XinChuang Network Technologies ang naproseso sa ganitong paraan.

Ang mga dayuhang empleado ay kinabibilangan ng 140 Indonesian, 643 Chinese, 186 Vietnamese, 136 Malaysian, 83 Thai, isang Iranian, dalawang Pakistani, dalawang Yemeni, isang Cameroon, isang Somali, isang Sudanese, isang Ivorian, walong Nigerian, isang Tunisian, isang Indian, dalawang Chad, isang Arab, walong Burmese, 17 Taiwanese, at apat na Singaporean.

Dito’y natagpuan ang apat na Chinese at dalawang Taiwanese na wanted sa kani-kanilang mga bansa.

Ayon kay Maranan, mula Martes hanggang kahapon, 320 tauhan mula sa iba’t ibang unit ng PNP, sa pangunguna ng Anti-Cybercrime Group (ACG), kasama ang Human Rights Affairs Office (HRAO), Legal Service (LS), at Women and Children Protection Center (WCPC) ang nasa site para makumpleto sa lalong madaling panahon ang proseso ng imbestigasyon.  | ulat ni Leo Sarne

📸: PNP-PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us