Mga magsasaka, mas gumanda sitwasyon sa ilalim ng Marcos Jr. administration

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ng House Tax chief si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. dahil sa napagbuti nito ang lagay ng mga magsasaka.

Ayon kay Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, mula nang hawakan ni PBBM ang Department of Agriculture ay bumaba ang rice inflation habang tumaas naman ang farmgate price ng palay.

Sa pinakahuling anunsyo ng Philippine Statistics Authority ang rice inflation ay nananatiling mababa sa 3.6%.

Ang farmgate price naman para sa kada kilo ng palay ay tumaas sa ₱19.06 kada kilo nitong May 2023 kumpara sa ₱17.24 lang noong nakaraang taon.

Ibig sabihin mas pabor ang sitwasyon sa mga magsasaka.

“It’s also a part of one of PBBM’s most underreported achievements. Ever since he took over as DA Secretary, farmgate price for palay per kilogram has…a 10.6% increase, even when retail prices increased only by 3.6% over the same period. This indicates that farmers are getting a better deal for their produce,” saad ni Salceda.

Kaiba rin aniya ang sitwasyon kung ikukumpara sa mga panahon na unang ipinatupad ang Rice Tariffication Law kung saan mas bumaba ang farmgate price kaysa sa retail price o bentahan ng bigas sa merkado.

Ibig sabihin aniya, nabawasan o kung hindi man ay tuluyan nang nabuwag ang rice cartel sa ilalim ng pamumuno ni PBBM bilang Department of Agriculture chief. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us