DOTr, nag-loan sa ADB para sa pagpapatayo ng Davao Public Transport Modernization Project

Facebook
Twitter
LinkedIn

Upang mas mapaunlad pa ang sektor ng transportasyon sa Davao, magpapatayo ang Department of Transportation (DOTr) ng Davao Public Transportation Modernization Project.

Ang naturang proyekto ay kabilang sa loan agreement nito sa Asian Development Bank (ADB) na siyang magpopondo ng naturang proyekto na nagkakahalaga ng nasa one billion US dollars.

Ayon kay Transporation Secretary Jaime Bautista, sa ilalim ng naturang modernization ay magkakaroon ng maayos na public road transportation ang Davao Region sa pagkakaroon ng isa sa may pinakamalaking bus fleet na aabot sa 400 buses mula sa iba’t ibang destinasyon sa mga lalawigan sa Mindanao.

Dagdag pa ni Bautista na malaki ang maitutulong sa ekonomiya ng Davao lalo na sa mabilis na transportasyon ng publiko. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us