Port fees sa Subic para sa Phil. Navy at foreign navies, libre na uli

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi na kailangang magbayad ng port fees ang mga barko ng Philippine Navy at mga inimbitahang foreign navy na dadaong sa Subic.

Isa ito sa mga napagkasunduan sa pagpupulong nina Northern Luzon Command (NOLCOM) Commander Lt. Gen. Fernyl Buca at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman and Administrator, Jonathan D. Tan sa SBMA kahapon.

Paliwanag ni NOLCOM Public Information Office Chief Maj. Anthony Pueblas, dati nang ipinapatupad ang ganitong patakaran, pero naputol nang mangyari ang pandemya hanggang sa pagpalit ng administrasyon.

Ayon kay Maj. Pueblas, ang pag-waive ng port fees sa mga lokal at dayuhang barkong pandigma ay muling naging epektibo matapos ang pagpupulong ni Lt. Gen. Buca at Administrator Tan.

Sinabi ni Maj. Pueblas, aayusin lang ang koordinasyon ng Phil. Navy sa SBMA para sa pagpasok at paglabas ng mga barko sa SBMA. | ulat ni Leo Sarne

📷: NOLCOM

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us