Ilang linggo matapos umpisahan ang pagsasaayos sa oval track area ng Marikina Sports Center, nasa 75 porsiyento na itong tapos ngayon.
Bahagi ito ng paghahanda ng Lokal na Pamahalaan ng Marikina na siyang host ng Palarong Pambansa 2023.
Ayon sa Marikina LGU, metikulosong dumaan sa tamang proseso ang paglalatag ng tartan sa track oval upang tiyaking magiging ligtas ito sa mga manlalaro lalo na sa nalalapit na palaro.
Mahigpit namang tagubilin ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na panatilihing malinis, maayos at ligtas ang mga playing venue para sa lahat ng kalahok, at manonood sa patimpalak palakasan.
Ang Palarong Pambansa 2023 ay bubuksan sa July 31 sa Marikina Sports Center.
At saka ito susundan ng aktuwal na mga laro sa August 1 sa mga nakatalagang playing venues hanggang sa closing ceremonies nito sa August 5. | ulat ni Diane Lear