Inihayag ng Civil Aeronotics Board (CAB) na mananatili sa Level 4 ang ipinapataw na fuel surcharge sa mga Airline Company ngayong buwan ng Hulyo.
Dahil dito ayon sa CAB, maglalaro sa P117 hanggang P342 ang madaragdag sa pamasahe ng mga pasahero para sa Domestic Flight.
Habang maglalaro naman mula P385.70 hanggang P2,867.82 ang madaragdag sa pamasahe para sa International Flights depende sa destinasyon.
Magugunitang pumalo sa Level 6 ang Fuel Surcharge na ipinapataw noong Abril habang Level 7 naman noong Marso ng taong kasalukuyan.
Paliwanag ng CAB, mas mataas ang lebel ng ipinapataw na surcharge ay mas mataas din ipinapataw na pamasahe dahil sa ito ay nakadepende sa paggalaw ng presyuhan ng jet Fuel.
Agosto ng nakalipas na taon nang maitala ang Level 12 na ipinapataw na fuel surcharge na nagresulta sa pagmahal ng pamasahe sa eroplano. | ulat ni Jaymark Dagala