Muntinlupa LGU, magsasagawa ng libreng kapon para sa mga alagang hayop

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magsasagawa ang lokal na pamahalaan ng Muntinlupa, sa pangunguna ng City Veterinarian Office ng libreng kapon para sa mga aso at pusa sa araw ng Huwebes, July 13, sa Covered Court ng Barangay Bayanan mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.

Ang mga interesadong pet-owners na nais ipakapon ang kanilang mga alagang hayop ay kinakailangang magtungo sa Office of the City Veterinarian na matatagpuan sa 4th Floor, Annex Building ng Muntinlupa City Hall bago o pagsapit ng July 11 at ipakita ang kanilang mga Care Card bilang patunay na sila ay residente ng lungsod.

Kinakailangan din na ang mga ipapakapong hayop ay dapat nakarehistro, mayroong tag o microchip, at bakunado laban sa rabies. Ang mga may-ari ay kinakailangang ipakita ang Microchip ID ng kanilang alaga at Certificate of Registration and Vaccination.

Ang bawat pet-owner ay maaaring magpakapon ng hanggang dalawang hayop lamang. Ekslusibo ang nasabing aktibidad para sa mga residente ng Barangay Tunasan, Poblacion, Putatan, at Bayanan kung saan 150 slots ang kanilang binuksan para rito.

Layon ng nasabing programa na tulungan ang mga pet-owners na magkaroon ng mas malusog na pangangatawan ang mga hayop at makatulong na mabawasan ang pet overpopulation. | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us