Isang 65-anyos na lola na empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng Pasay ang kabilang sa matagumpay na nakapagtapos ng kolehiyo sa City University of Pasay para sa School Year 2022-2023.
Si Lola Shirley Barberan, 65 years old ay kumuha ng kursong Bachelor of Science in Office Administration ay magulang din ng isang may kapansanan na nagsikap, habang siya ay nagtatrabaho para maabot ang gusto niyang kukuning kurso.
Payo ni Lola Shirley sa mga kapwa niya senior, na hindi hadlang ang edad para ipagpagpatuloy ang pag-aaral at makapagtapos gaya niya.
Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto Rubiano mananatili ang city-wide free education program ng lungsod para sa karapat-dapat na Pasayeño.
Ayon sa alkalde, hindi hadlang ang edad sa edukasyon para maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay.
Samantala, nagtapos rin ngayong araw sa kursong AB Political Science si Ruffa Mae Gurabil mula sa Maricaban, Pasay City ngunit ito’y sumakabilang buhay nitong Sabado dahil sa sakit na cancer.
Ang kanyang kapatid na si Darlen Gurabil ang tumanggap ng diploma ng kanyang ate.
Ngayong araw din nakatakda ang moving up ceremony ni Darlen, ngunit mas pinili nito na siya ang tumanggap ng diploma ng kanyang ate.
Nagpaabot naman ng tulong financial si Mayor Emi Calixto Rubiano para sa mga naulila ni Gurabil.
Sila ay kabilang sa 1,290 na nagsipagtapos kung saan dalawa sa mga ito ang Summa Cum Laude, 11 ang magna cum laude, at apat ang cum laude. | ulat ni Gab Villegas