Aabot sa 32 barangay sa Lungsod Quezon ang tiyak nang maaapektuhan ng water interruption na ipapatupad ng Maynilad Water Services, simula sa Hulyo 12.
Sa abiso ng Maynilad, kabilang sa maaapektuhang lugar ay ang mga sumusunod: Apolonio Samson, Bagbag (Rockville 2 Subd.); Balingasa, Capri, Commonwealth, Doña Josefa, Greater Fairview, Greater Lagro, Gulod, Holy Spirit, Lourdes, Maharlika, Manresa, Masambong, Novaliches Proper, Pag-ibig sa Nayon, Pasong Putik (North Ventures Commercial Corp.), St. Peter, Salvacion, San Agustin (Doña Rosario, Gen. Luis, Millionaires Subd.-Susano/Gen. Luis area, Quirino Highway-Dumalay, Susano, St. Luke’s School, TS Cruz Subd., FB De Jesus, Greenfields 1).
Kasama din sa maaapektuhan ang Barangay San Bartolome (ABC Development Corp., Bernardo, Good Haven, PLDT, Quirino Highway, Rolling Meadows 1, SM Prime Holdings, St. Francis Subd., Susana); San Isidro Labrador, San Jose, Sangandaan, Sta. Teresita, Sto. Domingo, Sauyo, Sienna, Sta. Lucia, Sta. Monica, Talayan at barangay Tatalon.
Mawawalan ang mga ito ng suplay ng tubig ng siyam na oras mula alas-7 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga.
Gagawin ito ng Maynilad, bilang paghahanda sa posibleng epekto ng El Niño sa mga darating na buwan. | ulat ni Rey Ferrer