Tinatayang aabot sa higit P35 milyong halaga ng mga expired meat product ang sinamsam sa isang warehouse sa Meycauayan Industrial Subdivision, Meycauayan Bulacan.
Ito ay matapos salakayin ang malaking warehouse ngayong hapon ng pinagsanib-puwersa ng Department of Agriculture Inspectorate and Enforcement Office, Bureau of Customs, National Meat Inspection Service, Philippine Coast Guar, at iba pa.
Ayon sa inisyal na pagsisiyasat, may tatlo(3) hanggang apat (4 )na container van ang mga sirang karne.
Inangkat umano ito sa bansang Brazil noon pang 2021 at 2022.
Nakarating sa kaalaman ng mga kinauukulan na nire-repack pa ang mga expired meat product.
Batay sa status ng meat products, hindi na ito ligtas para sa human consumption. | ulat ni Rey Ferrer