Nanawagan ang Metro Manila Council (MMC) sa publiko na makiisa sa pamahalaan sa pagtugon sa epekto ng El Niño sa bansa.
Ayon kay MMC President at San Juan City Mayor Francis Zamora, mahalagang mai-report sa barangay o city hall kung may makikitang tagas sa tubo ng tubig o ilegal na koneksyon sa lugar.
Ito ay upang agad na maisaayos at maiwasan ang pagkasayang ng tubig.
Binigyang diin ni Zamora, na dapat magkaroon ng disiplina ang mga commercial establishment at government office, pati na sa mga tahanan na magtipid sa paggamit ng tubig.
Samanta, sinabi rin ng opisyal na pinagana ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang kaniya-kaniya nitong El Niño Task Force at bumuo na rin ng mga ordinansa para makatipid sa paggamit ng tubig. | ulat ni Diane Lear