Planta ng yelo sa Navotas na nagka-ammonia leak, pansamantalang isinara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinordonan na ng mga awtoridad ang isang planta ng yelo sa Navotas City na nagkaroon ng ammonia leak kaninang maghahating-gabi.

Ito ay para magbigay daan sa ikakasang masusing imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa rason kung bakit nagkaroon ng ammonia leak incident sa 168 Tube Ice na nasa Brgy. NBBS Kaunlaran, Navotas City.

Matatandaang bandang alas-11:47 kagabi nang mangyari ang insidente kung saan kinailangang lumayo ng ilang residente na malapit sa lugar.

Agad din naman itong napahupa bandang alas-12:10 ng hatinggabi.

Wala ring napaulat na naapektuhan kasunod ng ammonia leak incident. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us