Refund sa bill deposit, sinimulan na ng MORE sa electric consumers nito sa Iloilo City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan na ng More Electric and Power Corporation ang second round ng Bill Deposit Refund para sa kanilang “eligible consumer”.

Inisyatibo ito ng kumpanya para ipakita ang pagpapahalaga sa kanilang consumers na hindi pumalya at nagbabayad ng kanilang electric bill sa tamang oras sa loob ng 36 buwan o 3 taon.

Unang nagpatupad ng refund ang More Power simula noong Hunyo.

Nilinaw naman ni More Power President at CEO Roel Castro na ang bill deposit refund ay hindi reward kundi isang karapatan ng mga consumer sa ilalim ng Magna Carta for Residential Consumers na mahigpit na inoobserbahan ng kanilang kumpanya.

Una rito, pinuri ni Energy Regulatory Commission Chairperson Atty. Monalisa Dimalanta ang hakbang ng MORE Power dahil
magandang halimbawa na ipinapakita nito sa ibang distribution utilities.

Ang lokal na pamahalaan ng Iloilo City ay ikinatutuwa din ang maayos na serbisyo ng More Power na nagsimulang mag-operate sa lungsod noong 2020. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us