2 baybayin sa bansa, positibo pa rin sa red tide

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling positibo sa “red tide toxin” ang dalawa pang baybayin sa bansa.

Sa inilabas na advisory ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), umiiral pa rin ang “shellfish ban” sa mga karagatan ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; at Dumanquillas Bay sa Zamboang del Sur.

Dahil sa nadiskubreng Paralytic Shellfish Poison (PSP) ay pinag-iingat ng BFAR ang publiko sa pagkain ng shellfish na nakukuha sa mga naturang katubigan, dahil mapanganib ito sa kalusugan.

Paalala ng BFAR, ligtas naman kumain ng mga isda, pusit, hipon at alimangong huli o nagmula sa nasabing karagatan, basta mahugasan at maluluto itong mabuti. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us