₱1.8-M halaga ng marijuana, nasabat ng PDEG sa Pandi, Bulacan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Narekober ng mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) ang 1.8 milyong pisong halaga ng marijuana mula sa dalawang teenager na suspek sa Makisig St., Brgy. San Roque, Pandi, Bulacan.

Sa ulat ni PDEG Director Police Brig. General Faro Antonio O Olaguera kay PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr., kinilala ang mga arestadong suspek na sina: Napoleon Hiponia Ramos, 18, at Romel Mejelliano Ochia, 19.

Isa sa kasamahan ng mga suspek na kinilalang si Eurice Rain Bautista Tiqui, a.k.a. Gado, ang nakatakas sa isinagawang buy-bust operation kahapon.

Narekober sa mga arestadong suspek ang 2.75 kilo ng Dried Marijuana leaves at 1 kilo of High Grade Marijuana (Kush).

Ang mga suspek ay dinala sa Pandi Municipal Police Station para sampahan ng kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us