Sa pagtatapos ng mga mag-aaral sa Mangaldan National High School sa Pangasinan.
Nanawagan si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa mga mag-aaral na bigyang pagkilala ang sakripisyo ng kanilang mga magulang upang sila ay makapagtapos sa pag-aaral.
Ito ang bahagi ng mensahe ni VP Sara na dumalo sa 6th Commencement Exercises ng nasabing paaralan.
Ayon sa Pangalawang Pangulo, ang araw ng pagtatapos ng mga mag-aaral ay hindi lamang para sa kanila ngunit para rin sa mga magulang at sa mga guro na naghirap upang makapagtapos ang kanilang anak.
Hinimok din nito ang mga mag-aaral na linangin ang kanilang mga pangarap at huwag matakot na masaktan at mabigo sa pag-abot nito.
Binigyan diin ni VP Sara na ang mga aral mula sa kabiguan ang gagabay sa mga mag-aaral upang maging matatag at lalong magpursige na maabot ang kanilang pangarap.
Nasa 1,092 na mga senior high school student ang nagsipagtapos sa 6th Commencement Exercises ng Mangaldan National High School. | ulat ni Diane Lear
📷: OVP