MMDA at Manila Water, nagpulong kaugnay sa mga hakbang para matugunan ang epekto ng El Niño sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpulong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ang Manila Water kaugnay sa mga hakbang upang matugunan ang epekto ng El Niño sa bansa.

Sa naturang pulong, hiniling ng MMDA ang tulong ng Manila Water para maisagawa ang pag-reuse ng tubig.

Ito ay sa gitna na rin ng pinangangambahang krisis sa tubig ngayong panahon ng El Niño.

Ayon kay MMDA Acting Chairperson Don Artes, nag-courtesy call kahapon sa kaniya si Manila Water Chief Operating Officer Engr. Arnold Jether Mortera.

Dito ay napag-usapan ang pag-reuse ng tubig mula sa sewerage treatment plants.

Samantala, natakalay din sa pulong ang agarang aksyon sa tuwing may reports ng water leaks sa Metro Manila. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us