Nanatiling normal ang lebel ng tubig sa Marikina River ngayong umaga sa kabila ng patuloy na pag-uulan sa Marikina at sa buong Metro Manila.
As of 7:50 ng umaga umabot na sa 12.9 meters ang kasalukyang lebel ng tubig sa Marikina River.
Mas mababa ito kumpara kagabi na nasa 13.1 meters kung saan maghapong umulan sa buong Metro Manila.
Ayon sa Marikina 161 Rescue, kahit na may bahagyang pagtaas ng lebel ng tubig sa Marikina River kagabi ay nanatili pa ring normal ang lebel nito.
Patuloy namang nakaantabay ang Marikina 161 Rescue sa magiging aktibidad ng pag-uulang dulot ng bagyong
Dodong. | ulat ni AJ Ignacio