AFP, tutulong sa paghahanap sa 2 nawawalang aktibista

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tutulong ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa paghahanap sa dalawang nawawalang aktibista na si Dexter Capuyan at Gene Roz Jamil de Jesus.

Ito ang sinabi ni AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, matapos na matanggap ng AFP at Philippine National Police (PNP) ang Writ of Habeas Corpus na inisyu ng korte para ilabas ang dalawa.

Nilinaw naman ni Aguilar na wala sa kustodiya ng AFP ang dalawa at ito ang kanilang iuulat sa korte sa pagresponde sa w
Writ of Habeas Corpus.

Beberipikahin din aniya ng militar kung ang isa sa dalawang nawawala ay miyembro ng NPA, base sa mga intelligence report.

Pero ngayon aniyang iniulat na nawawala ang dalawa, ay tutulong sa paghahanap ang militar dahil tungkulin ng AFP na pangalagaan ang bawat Pilipino. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us