8 pamilya sa Valenzuela, inilikas dahil sa habagat

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pansamantalang nananatili ngayon sa evacuation center ang nasa walong pamilya o katumbas ng 24 na indibidwal mula sa Brgy. Balangkas, Valenzuela matapos ilikas dahil sa pag-ulang dulot ng habagat.

Sa A. Deato Elementary School ipinwesto ang mga modular tent na pansamantalang tinutuluyan ng mga apektadong residente.

Ayon sa ilang residente, alas-5 pa ng hapon nitong linggo sila lumikas dahil sa pangambang abutin ng baha ang kanilang mga tirahan kung magtutuloy-tuloy ang ulan.

Agad namang naghatid na ng tulong ang Valenzuela City Social Welfare and Development sa mga apektado.

Kabilang sa ipinamahagi nito ang disaster kit na may laman nang food packs, mga banig, kumot at hygiene kits para sa evacuees.

Samantala, as of 6am ay may ilang lugar pa rin sa Valenzuela ang lubog sa baha kabilang na ang bahagi ng M. H. Del Pilar Street na nakararanas ng hanggang gutter na baha. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us