Lebel ng tubig sa Angat Dam, muling umakyat sa minimum operating level

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na nakatutulong ang mga pag-ulan para sa pagtaas ng antas ng tubig sa ilang pangunahing dam kabilan na ang Angat Dam na pangunahing pinagkukunan ng suplay ng tubig sa Metro Manila.

Sa datos ng PAGASA Hydrometeorology Division, as of 6am, muling umangat sa 180 meters na minimum operating Level ang Angat Dam.

Aabot sa 94 sentimetro o halos isang metro ang nadagdag sa Antas ng Angat Dam.

Ito’y makaraang masalo ng Angat Watershed ang mga pag-ulan na dulot ng habagat.

Bukod dito, umangat din ang lebel ng tubig ng karamihan ng mga dam sa Luzon maliban sa
Binga Dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us