Bicol solons, kinondena ang pagpaslang sa 2 pulis sa Oas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kapwa nagpaabot ng pakikiramay sina Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co at Albay 2nd District Representative Joey Salceda sa pagkasawi ni Chief Master Sergeant Joseph Ostonal.

July 9 nang pagbabarilin sina Ostonal at Cpl. Jeffrey Refereza ng dalawang salarin habang nagpapatrolya.

Ani Co, kaisa sila sa pagkondena sa pagpatay sa mga pulis at nanawagan para sa agarang imbestigasyon at pagkamit ng hustisya sa lalong madaling panahon.

“We must end the senseless violence against our law enforcement officers. Let us stand united in condemning these acts and strengthen security measures to ensure their safety. We call for a thorough investigation and swift legal proceedings. Together, we can prevent future tragedies and protect those who protect us,” saad ni Co.

Kasabay nito nangako rin si Co na magpapa-abot ng agarang tulong sa naulilang mga pamilya ng dalawang magiting na pulis lalo na sa pinansyal na aspeto.

“PCMS Ostonal dedicated his life to upholding peace and order in our community. His bravery and commitment to public service will never be forgotten. We must ensure that his family is taken care of, and we are committed to providing them with the necessary support they need. We aim to provide immediate assistance to the bereaved family and help alleviate some of their financial burdens,” dagdag ng kinatawan.

Kasama ng Bicolano solons sa pagdalaw sa burol ang TV personality na si Willie Revillame na una nang nakibahagi sa pagbibigay ng ayuda sa mga residenteng naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us