Simulation exercises para sa SONA ng Pangulo, isasagawa ngayong linggo ayon sa PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magsasagawa ng simulation exercises ang PNP ngayong linggo bilang paghahanda sa State of the Nation Address ng Pangulo sa susunod na Lunes.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, kasama sa paghahanda ang pagsubok sa kanilang komunikasyon, occular inspection, walk-through sa areas of convergence, at clearing operations.

Magkakaroon din ng dry-run sa seguridad na ipatutupad ng pulisya para sa Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at iba pang personalidad at opisyal ng gobyerno na dadalo sa aktibidad.

Ayon kay Fajardo, walang natanggap sa ngayon na seryoso at “credible threat” sa SONA ng Pangulo.

Ipinaalala naman ni Fajardo na ang Quezon Memorial Circle ang designated freedom park sakaling magsagawa ng aktibidad ang iba’t ibang grupo. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us