Konstruksyon ng mga proyektong pabahay sa Camarines Norte, umarangkada na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pasisimulan na ang konstruksyon ng pabahay projects sa bayan ng Vinzons at Mercedes sa Camarines Norte.

Kaninang umaga, pormal nang isinagawa ang groundbreaking ceremony na pinangunahan nina DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar at Camarines Norte Governor Ricarte Padilla .

Target ng housing project ang mahigit 4,000 pamilya kabilang ang informal settler families mula Camarines Norte bilang benepisyaryo.

Itatayo ang 34 na apat na palapag na gusali sa Mercedes malapit sa Bagasbas Beach para sa higit 3,200 pamilya, habang 18 apat na palapag naman na medium-rise buildings para sa higit 800 benepisyaryo ang itatayo sa Vinzons.

Binigyang-diin ni Secretary Acuzar ang mahalagang papel ng local government units sa pagpapatupad ng pabahay projects.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Governor Padilla kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa national government partikular sa DHSUD dahil binigyan ng kahalagahan ang kapakanan ng mga taga-Camarines Norte. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us