PNP at DICT, magtutulungan sa “digitalization” ng law enforcement operations

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) ang Philippine National Police (PNP) at Department of Information and Communications Technology (DICT) para magtulungan sa “digitalization” ng Law enforcement Operations.

Ang kasunduan ay nilagdaan ni PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr. at DICT Secretary Atty. Ivan John E. Uy kasunod ng flag-raising ceremony sa Camp Crame ngayong umaga.

Ayon kay Gen. Acorda, ang kasunduan ay naayon sa bisyon ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gamitin ang Information and Communications Technology upang mapahusay ang serbisyo ng gobyerno sa mga mamamayan.

Kaugnay nito, inanunsyo naman ni Sec. Uy ang paglulunsad ng iReport app, na kapwa dinevelop ng DICT at PNP.

Ayon kay Uy, ang bagong app ay magpapalakas sa law enforcement management system ng PNP sa pamamagitan ng mabilis na pagtanggap at pagresponde sa mga ulat ng krimen mula sa mga mamamayan. | ulat ni Leo Sarne

📷: PNP-PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us