Wala pang abiso kung babawiin ng Maynilad Water Services ang suspension ng scheduled daily water interruption sa ilang lugar sa Metro Manila.
Ito ay matapos magpakita ng unti-unting pagtaas sa water elevation ang Angat at Ipo Dam, dulot ng pag-ulan dala ng bagyong Dodong.
Una nang nagpatupad ng daily water service interruptions ang Maynilad noong Hulyo 12, pero sinuspinde ito dahil sa pagdating ng bagyong Dodong
Kabilang sa mga lugar na ito ang ilang bahagi ng Caloocan, Malabon, Manila, Navotas, Quezon City at Valenzuela.
Pero paglilinaw ng Maynilad, may El Niño pa ring umiiral sa bansa na posibleng maging dahilan upang mabawasan ang mga pag-ulan na makaka-
replenish sa mga dam. | ulat ni Rey Ferrer