Mga Pulis Maynila na sangkot sa pangongotong, nakatakdang iharap kay PNP Chief Acorda

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang iharap ng Presidential Anti-Origanized Crime Commission (PAOCC) kay Philippine National Police (PNP) Chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr. ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) na sangkot sa robbery-extrotion sa Sampaloc, Maynila.

Ito ang kinumpirma ni PAOCC USec. Gilbert Cruz makaraang magpatulong sa kaniya ang mga inirereklamong pulis para sumuko kung saan, 3 lamang sa mga ito ang humarap.

Kabilang sa mga inirereklamo ay sina P/SSgt. Ryan Tagle Paculan, P/SSgt. Jan Erwin Santiago Isaac, P/Cpl. Jonmark Gonzales Dabucol gayundin sina Pat. Jeremiah Sesma Pascual at Pat. John Lester Reyes Pagar.

Una nang sinabi ni PNP Spokesperson, P/Col. Jean Fajardo na ikinukonsidera na nilang Absent Without Official Leave (AWOL) at 5 pulis matapos reklamo ang mga ito ng pangingikil at pagnanakaw sa isang computer shop sa nabanggit na lugar.

Magugunitang pinakilos na rin ni Acorda ang Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) para magkasa ng operasyon para tugisin ang 5 nabanggit na pulis Maynila matapos.| ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us