Nasakote ang nasa P3.4M halaga ng shabu sa isang malaking operasyong isinagawa ng Police Regional Office 5 sa Naga City noong Hulyo 16 sa Villa Obiedo Subdivision, Zone 7, San Rafael, Cararayan.
Huli sa naturang operasyon ang suspek na kinilala na si Quincy Nieto y Masculino, 37 anyos, may asawa at nakatira sa Housing II, Brgy Monserrat, Magarao, Camarines Sur. Siya ay inaresto matapos magbenta ng 50 gramo ng pinaghihinalaang shabu sa isang police undercover sa halagang P130,000.00.
Bukod dito ay nahulihan din ng Regional Police Drug Enforcement Unit 5 sa tulong ng SDEU PS6-NCPO at PDEA ROV ang suspek ng 450 na gramo ng shabu na selyado sa 5 transparent plastic sachets, kasama ang isang glass pipe na may nilalaman tira ng suspetyadong marijuana at iba pang mga personal na kagamitan.
Isinagawa ang pagmamarka at imbentaryo ng mga nahuling ebidensya sa mismong lugar ng transakyon sa presensya ng mga saksi.
Si Nieto ay ipinaubaya sa Police Station 6 ng Naga CPO para sa custodial investigation at inquest proceedings. Siya ay maaaring maharap sa mga kaso ng paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Act ng 2022.
Samantala, pinuri ni Regional Director PBGEN Westrimundo D. Obinque ng PRO5 ang grupo ng kapulisan sa kanilang matagumpay na paghuli sa notoryus na pusher. Pinapatutukan din nya ang pagimbestiga sa pinagkukunan ng suspek ng drugs.| ulat ni Twinkle Neptuno| RP1 Albay