23 tech voc graduates, lalaban para sa 13th WorldSkills ASEAN Competition sa Singapore

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa dalawampu’t-tatlong mga technical vocational graduates ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang lilipad patungong Singapore upang lumaban para sa 13th WorldSkills ASEAN Competition.

Lalaban ang delegasyon ng Pilipnas sa mga skill areas tulad ng Automobile Technology, Beauty Therapy, Cooking, Electrical Installation, Electronics, Fashion Technology, Graphic Design Technology, Hairdressing, at marami pang iba.

Ayon kay TESDA Secretary Suharto Mangudadatu, ang nasabing kompetisyon ay oportunidad para sa kanila na ipakita ang mga nakuhang skills ng mga graduates ng TESDA sa mga karatig-bansa sa ASEAN region.

Dagdag pa ng kalihim, tinitiyak ng ahensya na pasok sa international standards ang mga training programs na inaalok ng TESDA.

Positibo rin ang kalihim na makakuha ng experience at kaalaman ang mga kalahok sa nasabing kompetisyon upang magtagumpay sila sa buhay.

Ang WorldSkills ASEAN Competition ay ginaganap tuwing dalawang taon upang magtagisan ng galing ang mga kabataan mula sa Timog Silangang Asya at ipakita ang kanilang mga talento at kakayahan sa mga skill categories.

Layunin nitong isulong at pataasin ang skill standards sa ASEAN region na kapantay sa international level at upang himukin ang mga kabataan na hubugin ang kanilang kakayahan na kapantay ng international standards.| ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us