QC LGU, nagdeklarang walang pasok sa mga pribado at pampublikong paaralan sa SONA ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Idineklara na ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon na walang pasok sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan sa Lunes, Hulyo 24, 2023.

Ito’y upang bigyang daan ang State Of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gaganapin sa Batasang Pambansa Complex.

Nilagdaan na ni QC Mayor Joy Belmonte ang Executive Order No. 23 ukol dito.

Bagamat bakasyon na ang ibang klase, may summer classes naman na maaapektuhan dahil sa pagsasara ng ilang kalsada sa lungsod.

Inaasahan na kasi ang mga ikakasang kilos protesta ng militanteng grupo kasabay ng SONA ng pangulo. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us